Gamitin ang SUMMER code para makakuha ng 20% discount sa kahit anong item sa check-out.

Shipping and Returns


Magandang araw! Heto ang aming shipping & returns policy:

SHIPPING

Dahil online store kami, lahat ng purchase ay isini-ship namin. Nagpapadala kami sa kahit anong lugar sa Pilipinas pero may ilang bayan na hindi abot ng aming mga courier. Sa ganoong pagkakataon, ia-advise namin kayong i-pick-up na lamang ang inyong Talasalitaan shirt sa pinakamalapit na LBC branch.

Heto ang aming shipping rates: 


Para sa Cash on Pickup (COP), ilagay na shipping address sa check-out ang pinakamalapit na LBC branch sa inyo o sabihin ito sa amin sa pamamagitan ng pag-reply sa aming invoice email. 

Ang aming mga courier ay LBC at ABest. Makatatanggap kayo ng tracking number kapag napadala na ang inyong parcel. Pwede ninyong ma-track ang parcel gamit ang track & trace tool ng LBC o ABest. 

Katuwang namin sa pagbibigay ng mabuting serbisyo ang aming mga courier. Kung may mangyaring 'di inaasahan sa inyong package, lubos kaming makikipagtulungan sa kanila para tuluyang makarating ito sa inyo. Makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng text, chat o e-mail para sa agarang resolusyon.

 

RETURNS

Hangad naming maging maayos ang bawat transaksyon sa aming shop. Mainam na i-check ang sukat, kulay, disenyo, at bilang ng inyong order bago mag-check out. Gamitin ang aming size chart para sa siguradong sukat. 

Kung sakaling may gustong baguhin sa iyong order, maaari itong gawin hanggang 1 araw matapos mag-check out o matanggap ang iyong invoice. Mag-reply lang sa aming invoice e-mail para sabihin ang mga pagbabago. 

Kung gusto mo namang i-cancel ang iyong order, pwede itong gawin hanggang 1 araw matapos mag-check out o matanggap ang iyong invoice. 

Kung natanggap mo ang iyong order na may *damage, maaari mo itong ibalik sa amin. Mainam na i-report ito sa amin pagkatanggap ng package para sa agarang aksyon. Magpadala ng report at litrato ng item sa aming e-mail

*Bawat shirt ay dumadaan sa masusing pagsusuri o quality assurance bago ito ipadala sa aming mga kustomer. Sa 'di inaasahang pagkakataon, maaari lamang ibalik sa amin ang shirt kung ito ay may manufacturer's damage tulad ng butas o malaking tastas sa tahi. 

Hindi namin tatanggapin ang shirt kung ito ay masyadong malaki o maliit sayo. Muli, gamitin ang aming size chart para sa siguradong sukat. 

Sa ibang mga katanungan, 'wag mag-atubiling i-kontak kami