Gamitin ang BUWANNGWIKA code para makakuha ng 20% discount sa kahit anong item sa check-out.

Frequently Asked Questions


  • PAANO BA MAG-ORDER? 

Madali lang. Bisitahin ang aming mga koleksyon para ma-browse ang iba't ibang disenyo. Kapag may napili ka na, i-add to cart mo lang ito at i-click ang check out. Sa check-out page, punan ng mga detalye ang order at shipping form. 

  • FREE SHIPPING PO BA?

Minsan po. Kung may free shipping promo, sundan lang ang mga requirement ng promo para makakuha ng libreng shipping. Pero kadalasan, ang shipping fee ay depende sa iyong shipping address. Bisitahin ang aming shipping and returns page para sa kumpletong detalye. 

  • MAGKANO PO ANG SHIPPING FEE?

Ang Regular Shipping fee sa kahit saang lugar sa Pilipinas ay PHP 180. Kapag regular shipping, dapat mabayaran muna ang total price ng order thru BPI transfer/deposit, GCash, o PayMaya. 

Kung Cash on Delivery, ang shipping fee ay PHP 180 rin sa kahit saang lugar.

Kung may malapit na LBC branch sa inyo, mas mainam ang Cash on Pick-up dahil PHP 100 lang ang shipping fee. Babayaran mo ang shirt at shipping fee sa mismong LBC branch bago ma-claim ang product. 'Wag kalimutang ilagay bilang shipping address sa check-out ang pinakamalapit na LBC branch sa iyo o sabihin ito sa amin sa pamamagitan ng pag-reply sa aming invoice email. 

  • ANO PO ANG INYONG COURIER?

LBC o ABest. 

  • PWEDE PO BANG MEET-UP?

Hindi po. Sa panahon ng pandemya, mas mainam na manalig na lang tayo sa lakas at galing ng ating mga delivery men. 

  • GAANO KABILIS MAKARARATING SAKIN ANG ORDER KO? 

Mabilis naman po. Bigyan ninyo lang po kami ng 1-5 araw para ma-process ang inyong order. Ang shipping po pa-Maynila ay 1-2 araw; 3-5 araw naman papuntang probinsya. 

  • SAAN PO ANG STORE NINYO?
Sa ngayon, online po ang aming store. Abangan po ang aming anunsyo para sa mga pop-up store o partnership sa mga physical store sa iba't ibang lugar. 

  • PAANO PO BA MAGBAYAD?
Pwede pong magbayad thru BPI Bank Deposit/Transfer, GCash, o PayMaya para sa regular shipping. Oks ang cash on delivery. At pwede rin ang cash on pick-up sa LBC branch na malapit sa inyo. 

  • ANO PO ANG SIZES NG SHIRT NINYO?

Meron kaming XS hanggang XXL. Bisitahin ang aming size chart para sa saktong sukat ng aming mga shirt. 

  • ANO PONG KULAY NG MGA SHIRT NINYO? 

Marami. May puti, kalimbahin, luntian, bughaw, at iba pa. Bisitahin ang aming catalog para makita ang iba't ibang kulay at disenyo ng aming mga shirt. 

  • PWEDE PO BANG CUSTOMIZED ANG DESIGN?

Pwede naman. I-text o i-email kami para sa kumpletong detalye. 

  • PAANO PO LABHAN ANG SHIRT?
Siguruhing baliktarin ang damit bago labhan. Maaaring labhan gamit ang washing machine at mild detergent. 'Wag na 'wag na gagamitan ng bleach o 'di kaya ay i-dry clean. 'Wag ding plantsahin ang bahaging may disenyo.