Ang Aming Kuwento
Nagsimula ang Talasalitaan sa isang hangarin: bigyang buhay at ipakilala sa nakararami ang iba't ibang wika sa Pilipinas. Hindi naman porket maraming nagsasalita ng Tagalog, Binisaya, o Chavacano, wala ng puwang ang iba pang wika sa bawat isa sa atin. Pero pa'no nga ba maipapakilala sa masa ang mga wikang ito? Naisip namin ang statement shirt.
Mahilig ang maraming Filipino sa statement shirt. Kung anuman ang hindi maihayag nang harapan, idadaan na lang sa pormahan. Mula sa ideyang ito umusbong na ang maraming disenyo.
Nakipag-partner din kami sa isa sa mga major supplier ng shirt at piniling gawing in-house ang printing para makasigurong quality statement shirt ang aming maibabahagi sa inyo.
Ang Talasalitaan ay hindi lang isang clothing brand. Ituring mo na rin itong isang paanyaya: Magsuot ng Talasalitaan shirt at maging bahagi ng pagpapakilala sa mga wikang atin.
Baka ang simpleng pagsusuot ng Waray o Baybayin shirt ay maging daan para mas mapag-usapan pa natin ang mga wikang Filipino — at tuluyang maibalik ang paggamit ng mga ito sa araw-araw nating pamumuhay.
Magsuot ng Talasalitaan. Bisitahin ang aming mga koleksyon para sa mga disenyo.